Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Pagbagsak ng ICO
by
Quidat
on 19/10/2019, 14:59:08 UTC
ICO - Initial Coin Offering, ito ang pinaka popular na ginagamit ng mga bagong proyekto para maka likom ng pera.. Noon kasagsagan ng taong  2017, napaka raming proyekto ang dito ay kumita at naka pagpatayo ng kanilang companya gamit ang perang kanilang nakolekta, ngunit sa hindi inaasan pangyayari sa sumunod na taon ay bigla itong nanghina at halos bumagsak, maraming investors ang umayaw at lumayo.

Kaya ito humina ay dahil sa maraming scammers ang nagsilabasan ang at sinamantala ang kalakasan ng ICO upang makapanglamang sa kapwa,  Kaya naman humina ang ICO at tuluyan ng nasira ang imahe nito.  

Quote
Sa paghahanap ng panibagong pamamaraan para maka likom ng pera, lumitaw ang paraan IEO, ( initial exchange offering ) una itong inilunsad sa binance kung saan naitala ang pinaka maiksing panahon sa pagkuha ng cap ng proyekto. sinasabing sa loob ng 15 minutes na kamit ng nagbenta ang kanilang softcap...

marahil ito na ang magiging pamamaraan ng mga bagong proyekto sa pag lunsad ng kanilang companya.

Ang IEO naman ang pumalit sa ICO,  Ito ay magndang pamamaraan dahil makakabili ka mismo sa exchange at hindi ka rin mag kakaroon ng pangamba na ikaw ay ma sscam dahil pagkatapos ng IEO ay maari mo agad maibenta ang iyong token o kaya naman ay makabili agad.  

ngunit may mga risk din dito na dapat iwasan katulad nalang ng pag invest sa mga IEO sa hindi kilala exchange,
Meron pa ring risk kahit sa IEO dahil meron parin posibilidad na malugi kasi di natin alam kung ang project ay mag susucceed or hindi.
Ang presyo ay hindi pa sigurado thats why hindi parin assurance ang profiting sa IEO but at least talking sa security ibang-iba ang sistema
kumpara sa ICOs'. Nagulat nga ako na meron pa ring mga ICO project sa bounty boards naghahanap pa rin ng investor.
Pero most of the time nag fafail na sila kasi ang tao nasa IEO na.