Uu may chance na pag tumaas yung bitcoin ay susunod din itong mga alts. Kahitn ga lan ETHa ng tumaas im sure most of altcoins talaga sasabay din yan kasi alam naman natin pangalawa yung etherium sa crypto at parang ugat nalang din niya yung ibang altcoins. At sana nga din maulit yung dati na yung etherium ay umangat yung presyo nito ng mataas yan din naman ang palagi nating pinag handaan.
Kabayan, hindi kasi cycle o sinosoidal ang market sa lahat ng oras, noong tumaas ang presyo ng ETH, ito ay may pinaguugatan, hindi marahil dahil kapanahunan nya ito, pero sikat na sikat kasi noong ang ICO, at alam naman nating nag ethereum ay nag mamanage ng kanilang smart contract. Iyon ay isa sa mga malaking mitsa ng pag angat ng ETH. Kung ngayon ay umaasa tayo sa pag taas, marahil ay dapat nating suriin kung may rason bang tumaas ito bago tayo mag tiwala.
Wag natin isipin na hindi babagsak ang presyo ng isang crypto coin, dahil ito naman talaga ang kanyang kasarian. Di natin kontrolado ang sitwasyon nito habang ang bitcoin din ay bumabagsak. Sa pang kalahatan na merkado dominante ang bitcoin kasi sa trading, anf bitcoin at ethereum ay talagang magkatuwang.