Kahapon may nagmessage sken ,gusto nya hati kami sa reward dahil kaya nya daw akong panalunin sa laro, may binigay syang gambling site at moderator siya dun , lahat ng pinili kong pangalan ng naglalaro eh nanalo. Muntik na akong mag deposit, naengganyo kasi ako.
Sa tingin ko ay aware ka naman na sa mga modus ng mga tao sa telegram dahil mataas na ang rank mo at medyo matagal ka na rin dito sa crypto. Maraming ganyan sa telegram yung bigla na lang mag chachat sayo at aayain ka kung saan-saan o kaya naman ay magbibigay sila sayo ng url kung saan may free bitcoin kapag naglogin ka or nag deposit ka ng pera sa kanila, ganyan ang mga modus nila sa telegram kaya dapat ay magingat ka sa mga ganitong gawain o modus nila dahil pag nag login ka don baka mamaya may mawala na sayo na earnings mo at iba pa. Dapat lagi tayong maging maingat pagdating sa mga scammet at modus na ito maging aware sana ang lahat sa mga ganitong gawain.