Kalma lang makukuha din lahat ng pera. May chance man or hindi yang 400,000 sa LBC everyday, dapat alam na rin natin na may times talaga na di sila papayag sa ganyan. Kahit sa Cebuana din sa akin dati. Depende yata talaga sa mga staff dyan sa branch na kahit may malaking pondo, di nag-aallow kasi gusto nila ma-spread iyong pondo sa lahat.
Meron din kasi silang parang mga suki na laging nagke-claim sa kanila ang nasabi sakin ng staff nun at kapag nagkataon madami silang hindi maseserbisyuhan kahit na medyo malaki yung iwiwithdraw ng client nila. May mga pagkakataon na tatanggi lang sila kasi naranasan ko na din yan din, nara-run out of funds sila kahit na malalaking branches o mas may priority silang mga client na nagpareserve. Ang kailangan lang ipaalam sa staff agad agad kung magkano para magawan nila ng paraan.
Pero ako kay gunhell, puwede na yang mas mababang amount, 200,000 = x4 50,000 puwede na yan at least mawiwithdraw din naman lahat.
Tama yung ganito. Dahil ang maximum lang naman ng coins.ph sa LBC ay 50k kaya mas maganda yung ganitong strategy. Hindi man mabigay ng isang branch isang buuhan, pwede mo iclaim yung isa, dalawa o tatlong 50k na iwiwithdraw mo sa kanila tapos sa ibang branch nalang yung natitira.