So salamat harizen dun sa tip about sa Gcash Exchange ba yun?
First time ko natry and Voila talaga. Mabilis nareceive agad sa halagang sampung piso lamang.
Mas masakit pa yung withdrawal fee kapag pinasok sa ATM ang card ng Gcash.
Sayang lang di applicable sa iba iyong no-charge withdrawal fee sa RCBC ATM. Until now, wala pa rin bawas sa akin kahit saang ATM branches ng RCBC. Sayang din ang Php 20 pesos fee a. Dun ako nababawasan sa mga maliliit na or Rural Bank ba tawag sa mga yan.
Pero at least di ba? Hindi na tulad ng dati na 2 percent. Napakasakit nun Kuya Eddie.

Twing magwiwithdraw na lang ako laging ganon. Lagi kasi ako rush. Di ko naiisip na gamitin yung banks since 1 day pa yung bago dumating.
Eto pang rush na rush or kahit nga hindi eh Gcash na din ginagamit ko.
Pano, kapag sa Shopwise ako nabili laging cellphone ko lang dala ko para magbayad ng gatas at diaper ng bata. Isang scan lang at input ng total sa receipt at Voila bayad ka na. Walang linabas na cash.