Magandang araw po!
Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin? At saang exchanges maganda bumili?
Maraming salamat po sa mga sasagot.
Kung bibili ka talaga ng altcoin eh dapat piliin mo yung pinaka maganda yung development at medyo matagal tagal nang nagsimula. Huwag din gawing basehan yung may pinaka mura yung presyo.
At syempre wag lang isang altcoin bilhin mo, at least mga lima kasi pag pumalpak yung isa, hinde ka masyadong malulugi sa investment mo. Wag din umasa sa rekomendasyon ng iba, matututong magsaliksalik sa proyektong nais mong ilagay ang yung pera ng sa ganun pag pumalya investment mo, wala kang sisisihin na iba kung sarili mo lang.
