Ang makakasagot lang nito ay ikaw, depende kasi yan sa budget at plano mo. Alam naman natin ang right timing pra bumili ay kapag bumababa ang price ng mga coins na gusto nating bilhin. Kelan lang bumaba sa $7900 ang price ng bitcoin at ngayon naman naka recover sya sa current price na $8200. So kung pang short term ang plano mo na income kung nkabili ka sa price na $7900 kumita kana sana ngayon.
Ano ba ang plan mo kung sakaling mkabili ka? Kung pang long term basta nag decline ang price pwede na bumili. Kung short term naman mas maganda na sa dip price ka mag buy kaya dapat naka monitor ka lagi sa market.
Yes kung ang plano ni Op noong nakaraang mga ilang araw pa lamang ay shorterm may profit na siyang nakuha kahit papaano kung siya ay bumili. Pero kung takot ang isang investors at hindi siya makapagdecide kung hanggang kailan niya ito ihohold nag tamang gawin lang ay longterm yan ang pinakasafe na gawin kapag walang plano kung hanggang kailan ikekeep ang bitcoin niya at malaki pa ang profit na makukuha.
Tayo ang naghahandle ng time natin at tayo ang masusunod kung ano gusto natin sa ating buhay, walang masamang sumubok mag invest, pero start muna tayo sa mababa dahil kapag hindi tayo nag start sa mababa at natalo agad, posibleng mag stop and madepress tayo, so unti unti muna tayo, huwag padalos dalos dahil madali maginvest madali din mawala dahil parang sugal yan.