Post
Topic
Board Pilipinas
Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto
by
crisanto01
on 31/10/2019, 04:39:33 UTC
Mahirap kasing alisin yang mga yan. Mga wala kasing kabusugan. Ang kailangan lang ay maturuan ang mga tao about sa ganitong scheme. Para mas maging aware sila sa mangyayari. Unang sampa ko dito sa forum puro ganyan ang nakikita. Pero may mga concern na members dito ang naglabas ng baho nila. Sino ba naman ang maniniwala na kapag binigyan mo sila ng ganitong halaga ay doble ang babalik sa iyo at isang araw lang ang pagitan. Still May mga naniniwala parin.

May mga bagay na Hindi natin kontrolado, mas pinipili nila na ganyan Ang kalakaran ng buhay nila, Yong tipong easy money, mas gusto nila yon kaysa magpakahirap sa ibang bagay. Hindi nila naiisip na ang binubuhay nila ay galing din sa masama, Wala silang pakialam dahil mas may care sila sa perang instant nilang kikitain.

Ang pumasok kasi sa isip ng mga tao na nasadlak sa sistemang ito, legit ang pinagkukunan kaya ganun na lamang sila ka kampante pumasok sa mga easy money making schemes. Sigurado naman ako na kung alam ng mga ito ang kalakaran, eh imposible naman na papasok sila sa ganitong pamamaraan.

Pinapaniwala na Lang nila Ang sarili nila at iniisip na legit to, pero sa totoo lang alam naman nila talaga ang mali sa hindi, pero mas pinapairal nila ang kikitain nila sayang Kaya go take risk nalang then pag naging scam pavictim na Lang din sila para di sila masisi ng taong nirecruit nila.