ICO - Initial Coin Offering, ito ang pinaka popular na ginagamit ng mga bagong proyekto para maka likom ng pera.. Noon kasagsagan ng taong 2017, napaka raming proyekto ang dito ay kumita at naka pagpatayo ng kanilang companya gamit ang perang kanilang nakolekta, ngunit sa hindi inaasan pangyayari sa sumunod na taon ay bigla itong nanghina at halos bumagsak, maraming investors ang umayaw at lumayo.
Sa paghahanap ng panibagong pamamaraan para maka likom ng pera, lumitaw ang paraan IEO, ( initial exchange offering ) una itong inilunsad sa binance kung saan naitala ang pinaka maiksing panahon sa pagkuha ng cap ng proyekto. sinasabing sa loob ng 15 minutes na kamit ng nagbenta ang kanilang softcap...
marahil ito na ang magiging pamamaraan ng mga bagong proyekto sa pag lunsad ng kanilang companya.
Napakagandang alaala ang 2017 ICO investments. Naging opportunity ko rin ang taong 2017 para kumita ng pera sa ICO investments at alam ko marami ang mga Pinoy ang kumita sa panahong iyon.
Nabreak na ba ang fastest record na naitala noong 2017 sa pinakamabilis natapos na ICO? Kung 15 minutes ang pinaka maiksi na naitala sa IEO at sa softcap lang ito ay milya ang layo sa records noong 2017. Ang Brave browser ang syang pinakamabilis na crowdfunding sa history. Inaabangan kasi ng lahat at $35 million lang ang maximum target nito. Kaya sa mismong oras ng ICO ay pabilisan na lang mga tao sa ICO website. Sinasabing wala pa sa isang minuto ay ubos na kaagad. Sa dami ng dumagsa sa website ay parang nagka error ang system kaya meron nagsabi na 2 minutes raw ang official time.