Nakakatuwa panoorin yung laban ng Spurs at Clippers.
Parang binalik ako sa 80-90 na laruan. More on perimeter shooting or drive sa paint.
Ibang iba talaga ang laro ni Leonard kaysa sa mga ibang player. More on slow play but sure. May off night ba tong taong to?
Sa ganda ng stroke niya sa pagtira ng bola ay parang laging sigurado lahat.
Maliit panolo sa pusta pero pwede na. Wala eh masyadong mataas ang odds of winning ng Clippers. Hype na hype kasi.
Kaya nga ang ganda ng laban. Walang masyadong init pero yung scoring ayos, ganito yung mga gusto nating laban. Yung parang chill na laro lang pero maganda bigayan sa outside shooting. Ganda rin ng pinakita ni DeRozan sa laro. Mukhang lahat ng team na nalilipatan ni Kawhi gumaganda lalo yung performance. Malakas chance na aabot ang LAC sa finals kapag ganito sila kaconsistent. At malaki ulit ang chance niya na maging finals MVP, KUNG lang naman na aabot sila sa finals.