Kahapon may nagmessage sken ,gusto nya hati kami sa reward dahil kaya nya daw akong panalunin sa laro, may binigay syang gambling site at moderator siya dun , lahat ng pinili kong pangalan ng naglalaro eh nanalo. Muntik na akong mag deposit, naengganyo kasi ako.
Iwasan natin na magpaniwala sa mga offers na talaga namang napakaganda at siguradong panalo lalo na kung galing ito sa mga random messages sa telegram or emails. Karamihan kase ngayon ay scams na at idadaan na sa galing sa persuation at pagandahan ng offer na hindi na minsan makatotohanan dahil sa sobrang ganda. Ugaliin na kamang na wag pansinin ang message mula sa hindi kilalang senders at wag mag-iinvest basta basta o maglalabas ng pera.