Muntik na ako maging biktima ng scam sa telegram. One time kasi bigla may nagmessage sa akin na maginvest sa Ico at may binigay na address para magdeposit. Buti nalang chineck ko kaagad kung legit yun, yun pala ay isang scammer din. Madaming modus talaga sa telegram at dapat lahat tayo maging maingat. Tips din ito sa newbie na hindi dapat mapagpaniwala sa hindi kilala pag may nagmessage. Kaya itong thread maging awareness sa lahat.
Saka bilang isang investor wag basta basta mag invest dahil lang sinabi nila na mag invest. Ang daming mga deposit scam ngayon tapos sasabihin na kikita ka ng mas malaki tapos may percentage pa na bonus. Wag basta basta magpapaniwala sa mga manloloko sa telegram. Lalo na kapag sumali ka sa isang channel na puro signals kuno, merong basta basta magp-pm sayo tapos sasabihin siya may ari ng channel o ceo ng kung ano ano. Iwasan niyo lang sila at ignore lang.