Muntik na ako maging biktima ng scam sa telegram. One time kasi bigla may nagmessage sa akin na maginvest sa Ico at may binigay na address para magdeposit. Buti nalang chineck ko kaagad kung legit yun, yun pala ay isang scammer din. Madaming modus talaga sa telegram at dapat lahat tayo maging maingat. Tips din ito sa newbie na hindi dapat mapagpaniwala sa hindi kilala pag may nagmessage. Kaya itong thread maging awareness sa lahat.
Mahirap na talaga magtiwala sa panahon ngayon kasi hindi mo alam kung legit ba o hindi kaya mas okay talaga na siguraduhin niyo muna kaysa pagsisishan niyo sa dulo yung mga desisyon niyo. Siguro nga medyo matrabaho yung pagssearch muna pero hindi worth it naman? kasi alam mo na hindi ka maiiscam. Yung mga scammers sinasamantala nila yung mga taong kakaunti lamang yung alam pagdating sa mga problema na pwede nilang kaharapin like gaya niyan mga scam, siyempre kung wala ka talagang idea malamang madadala ka sa ganyan. Sa totoo lang ganyan din ako kapag nakakareceive ako ng mga message or email, hindi kasi ako basta nagtitiwala lalo na ngayon na madaming scammers. Nauuso din kasi yung email na naglalaman ng mga scam sites kaya dapat maging cautious tayo pagdating sa mga ganitong bagay kasi hindi naman natin masasabi agad kung ano yung totoong intensyon noon, maaaring totoo at maaaring hindi.