nabasa ko din yung mga posts na ganyan sa cryptotalk mismo at malala talaga yung nangyayari. hinala ko dyan baka kaibigan or alt accounts ng mga moderators yung mga nakikipag unahan sa premyo kaya nila ginagawa yang mga deletion na yan. sobrang dami talaga hindi ko na lang maisa isa kung talagang may sense yung mga posts nila na nabubura
I have a regular chat with cryptokarm of cryptotalk, leading sa post as of now, dami nyang kwento sa akin about sa post deletion. Malaking issue nga yan dahil ang isang thread with 47 pages eh imposibleng walang spam in a short period of time. Mukhang me favoritism ang mod dun sa cryptotalk, kahit na sabihin nating walang nagrereport if they are a responsible mod, idedelete nila yang mga repeatitive posts once na mega thread na ang topic or ilolock to stop the spam.
Or baka merong Russian groups na sadyang walang ginagawa kundi magreport lang ng magreport ng mga post para malaking bilang ng mga posts and mawala sa kalaban nila.
Siguro ayon ang diskarte nila para makuha ang prize?hindi naman siguro ganon ka walanghiya ang CryptoTalk management para sadyang magdelete lang para May paboran na specific accounts.
And one thing nagsisimula palang ang site nila,Hindi siguro nila gugustuhing masira ng dahil lang sa iilang BTC na papremyo kung gumagastos nga sila ng malaking halaga para maipromote ang site nila
posible din na yung kalaban yung mahilig mag report ng mga posts ng iba para sila yung mauna sa contest. hindi natin masasabi eksakto kung ano ang nangyari pero ayun tapos na nga at pinoy naman ang nanalo so congrats kung nandito ka man sa bitcointalk