Masarap isipin na sa mga panahon na yan maraming mga Pinoy Ang nakinabang, nagbago ang buhay dahil sa pagiging interesado nila sa ICO, madami din silang mga natutunang aral sapagkat Hindi sa lahat ng pagkakataon at Hindi taon taon ay bull run, ngunit mas nananaig Ang kasiyahan sapagkat maganda ang itinakbo ng buhay ng ibang mga tao dahil dito.
Tumpak ka dyan kaibigan, pero hanggang sa isip nalang ang lahat o history nalang. Ganun pa man umaasa parin ako na babalik ang paglago ng crypto currency dito at magiging leksyon sa ating lahat ang mga di inaasanhang pangyayari gaya ng pagpagsak ng price sa market. Ngayon, nagnanais ako na kumita ng bahagya, mas mabuti ng meron kahit kaunti lang at mas ok na kahit papaano.
Yan ang isa sa mga narealize ko na akala ko bull run na habang panahon nung mga pagkakataon na yun. Ang maganda lang sa nakikita ko ngayon, umaangat naman na ulit ang bitcoin yun nga lang pagsabay ng ICO namamatay na siya dahil may IEO na.
Ang mahalaga nakakabawi naman ang market ngayon mapa bitcoin man at ilang mga piling altcoins. Ready mo lang din sarili mo pag sakaling bumalik na ang bull run.
Kahit ako man ay umaasa pa rin na magkakaroon ng bull run. Hindi naman pwede na bear lang palagi ang market natin. Ang dami ko rin natutunan sa 2018. Na wala talagang foreber.
Okay lang naman na mawala at humina ang ICO kasi si IEO ay isang upgraded na version. May maayos rin kasi nasisiguro ang mga investors na meron talaga patungohan ang bagong project kahit man lang malista sa isang exchange muna.