Kainis Ginebra di man lang nagbigay ng magandang laban. Talo na sa bet, talo na ending, talo na sa kapustahan dito, talo sa lahat. Hirap pa naman matulog ng nakainom tapos talo ka sa lahat.
Pinakita lang ni Durham na siya ang pinakamagaling na import ng PBA, hehe.
Dalawang SMB ang inararo ng Meralco, maganda na talaga ang kanila momentum, siguro tuloy tuloy na ito hanggang sa finals.
Di na ako bibitaw sa meralco.
Wala ng question dyan kabayan, sobra talaga yung pwersa ng import na to, nilalamon ng buhay lahat ng players na magbabantay sa kanya. Walang magawa yung defense kahit anong gawin nakakagawa talaga ng paraan, hindi naman na lingid sa kaalaman natin ung pinapakita ng import na to
if ever na magtuloy tuloy sila baka nga makuha niya yung pagiging best import this season.
Well, sa pagkakatanda ko bro nung nag best import si Brownlee kalaban nya din si Durham non na meron na din ganong award, yes malakas si Durham pero kadalasan sa finals nagkakalabasan ng totoong laro ang mga players. Tinalo na ng GSM ang Meralco before twice una sa championship series at ang pangalawa naman is semis ata yun kaya di pa tayo pwedeng magconclude dahil parehas na may magandang laro ang both teams when it comes to playoffs.