Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
arwin100
on 05/11/2019, 08:39:21 UTC
Danny Green saved my day lol. One of the best game so far for both the Lakers and the Mavs. For sure Luka will have his time but tonight the moment belongs to Lebron James with his vintage performance of the night, triple-double.
Si Green din ata yung hinayaang naka 3 points yung mavs sa last minute dahil iba ang tinitignan buti na redeem niya akala ko talo na ang lakers 6 seconds nalang yun eh.

Yun lang hindi nila na estimate masyado galawan ni green at naka focus sila kay lebron at davis kaya ayon napahamak sila muntik na sana sila manalo dun kaso kinulang talaga sila sa fire power at confidence sa OT kaya talo tuloy. Pero ok lang yan mahaba pa ang season at mukhang lumakas lalo mavs ngaun lalo na sa mga bagong additional nila at gumaganda din ang mga galawan ni Luka na tiyak papasok sila sa playoffs nyan.
Yung addition ni Green talaga sa Lakers napakalaki. At saka, this shows na clutch shooter talaga tong si Danny Green. Grabe, outbalanced shot pa yun. Hindi siya gaanong nakaporma kase corner three eh saka may tumalon pa na defender. I think that was Seth? And then pagkatira nya bang! And siya nga pala diba nag exchange ng triple-doubles sila LeBron and si Doncic? Parang sinabihan ata ni James siya na "You're a bad motherf***er."

Nag complement  lang si james ky Doncic dahil sa ganda ng performance na pinakita nito at grabe din ang duel na naganap sa kanila biruin mo laging tumatama siko nila kay Doncic ginamitan na nila ng dirty plays. Pero un lang talaga inalat talaga ung Mavs sa laro na un at kinulang na sila sa fire power pagdating sa OT malamang pagod na ung ibang players nila kaya aun olats.


Mga kabayan baka meron kayo diyan na permanent link na nagre-release ng mga live na laban sa NBA, yung free lang sana Wink yung mga nakikita ko kasi sa google search laging nagiiba-iba yung link kaya baka meron dito sa inyo na may mabuting puso na mag-babahagi. hindi masyado malawak ang kaalaman ko pagdating sa NBA pero gustong-gusto ko na nanunuod ng live kaysa sa mga replay at highlights.

Sa panahon ngayon kabayan mukhang mahirap magkaroon ng free na kung tutuusin mas nangagailangan pa yung hinihingian mo. Kung gusto mo talaga ng free hintay hintay ka nalang ng kaunti mapapanood mo next month starting dec 22 via live tv ng abs cbn. Pero kung meron kang extra magload ka para makakita ka ng live from fb o live streaming.

May livestreaming sa facebook at madalas ako nanonood  dun pero un ngalang ung iba di tinatapos kaya lipat ulit sa ibang livestream.