Tanong ko lang sa mga kabayan natin na gumagamit ng coins.pro kung saan sila nakakapag-withdraw after nila mag exchange ng crypto? madami na kasi akong naririnig na mas maganda ang rate ng coins.pro kumpara sa coins.ph kaso hanggang ngayon hindi ko pa din magamit si coins.pro kahit nagpa-whitelist na ako noon pa man, wala din kasi akong nare-receive na feedback mula sa side nila kung kailan ko pwede magamit yung platform nila.
Medyo matagal nadin ung beta testing nito sana ma ifully launch na nila marami din kasi nag aantay na mga traders sa local gawa nga ng ang laki difference sa presyo sa mismong app.
Wala ako sa whitelist kaya wala ako idea tungkol jan .
Well then. Lucky for me na nakasali ako sa waitlist ng coins.pro
@Katashi, Most of the time ginagamit ang coins.pro para makatipid sa malaking gap ng buy n sell sa coins.ph, like what you have said na maganda kasi ang conversion rate sa coins.pro. Back to your question, may cash out option sa coins.pro na for bank only no other than that and ang kadalasan talaga na nangyayari sa paggamit sa coins.pro (convert BTC, ETH and PHP sa coins.pro for a better rates > send it to your designated coins.ph account > gamitin si coins.ph sa pag withdraw sa madaming paraan) and here you go nakatipid ka kahit papaano pero maging aware na hindi na instant ang pag transfer from coins.pro to coins.ph dahil kadalasan inaabot na ito ng 12 to 24 hours of waiting para dumating sa coins.ph natin