Ikaw? Katulad mo rin ba ako na naghahanap o naghihikayat sa iba about kay BITCOIN?
Personally, hindi. Siguro oo, in rare cases like pag may tao o kaibigan akong nag mention ng bitcoin at nagtanong ng ano man tungkol dun. Pero besides un, hindi talaga. Ayaw ko lang isipin ng mga tao na baka may hawak akong bitcoins. Kahit di ko sabihin, pwedeng pwede nilang i-assume un lalo na't pag marami akong alam tungkol sa bitcoin.
Couple of reasons:
- Pag nag bull market ulit ang bitcoin at cryptocurrency markets, ayaw kong maging utangan ng bayan
- ...at ayaw kong maraming taong hihingi ng "balato"
- Para maiwasan ang $5 wrench attack[1]
- Baka sisihin ako nung tao pag may certain tao na nag invest sa bitcoin dahil sakin, at nagcrash ang price nito
Basically, sa kahit ano, priority ko lagi ang securidad ko at ng pamilya ko, kahit baka isipin ng mga tao na mejo "OA" ung mga rason ko.
[1]
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5112748.0