Ang problema lang sa may ganyan is bawal yun from BTC wallet yung pag withdraw. Pero ang alam ko some time around 2018 2017 may cases na nakakawithdraw ako from BTC wallet. Pero di pako gcash cashout nun e. IDK if dun yung ruling ng coins sa withdrawals(need iconvert). Pero at least may GXchange na para di na pumatak sa 2% yung fee mo. Napakalaki din kase nung 2% na yun.
Pag sa malalaking transactions, sobrang laki na ng 2% na fee. Sa ibang withdrawal option tulad ng ML Lhuillier at LBC pwede kahit hindi na I-convert pa sa peso wallet. Ngayon ko lang din napansin na pati pala sa ibang bank option hindi na libre tapos hindi pwedeng direkta na din sa BTC wallet tapos sa bangko na ginagamit ko, nagkaroon ng fee na 20 pesos, maraming bank nagkaroon ng fee na bente pero meron pa ring mga libre thru peso net.