kapag ang mindset mo ay pano ka kikita sa pagbili ng pac token, negative ka dito kasi malamang sa malamang walang tatangkilik ng project na to kasi alam nyo na pinoy mentality hindi pa nag reresearch ng maigi e boboka na agad ng scam tsaka walang use case etc.
una legit yung GCOX exchange nag bounty ako jan okay naman bayad. tsaka masipag sa events like miss international and other entertainment related gatherings
ung pac token legit din at may ieo nga kaso failed ang pagbili ko oversubscribed na daw at electronic balloting or ayaw talaga magbenta sa iba malay mo nga ubos na sa privatesale at moro moro nalang ung ieo
believer ako nito kasi wala tong pairing bonus, upline upline at walang nagpopost ng mga testimonial sa social media katabi ng magarang sasakyan na nagsasabi na katas ng pactoken to. haha
dun ako nakatingin sa celeb charity kung paano makakarating sa charity ung proceeds from all over the globe na sumusuporta kay pacquiao sa mga advocacy nya in alleviating poverty and dun sa mga nasalanta ng calamities. sabihin mo nang magkakaroon ng corruption kasi nga tamang hinala nga tayong mga pilipino pero yung tokenized proceeds from pac malaking tulong sa pagpapabilis sa pagtulong sa mga kababayan natin.
malalaos ba si pacquiao? malamang tatanda yan pero ung legacy na iiwan nyan sure na nakatatak na sa mundo kaya kung magbenta man yan ng memorabilia malamang sa malamang mabibili yan. pero syempre may mga mag PPandD sa pac token yung mga gusto sakyan yung hype. given na sa crypto world ang pnd
basta suportahan ko lng tong project na to. power? pawer!