Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Bakit bagsak ang Ethereum?!
by
agentx44
on 16/11/2019, 13:30:03 UTC
Ang Ethereum ang isa sa pinakakilalang coin sa crypto market. Sa katunayan, pumapangalawa ito sa Bitcoin pagdating sa ranking. Noong nakaraang taon, ang laki ng value nito at marami pa ang nagsabi na kaya nitong malampasan ang Bitcoin. Pero bakit ngayon isa siya sa pinakabagsak na coin sa market? Bumaba na siya $300. May pag asa pa kayang makarecover ito o eto na ang simula ng tuluyan niyang pagbagsak?
Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang Ethereum ngayon dahil sa pagdami ng bilang ng mga altcoins na patuloy na umuusbong at nag iimprove. Ang Ethereum ay halos kasabayan lamang ng Bitcoin pero napag iwanan natin ito ng sobra mula noong nagsimulang bumaba ng sobra ang presyo ng mga altcoins at bitcoin. Sa tingin ko naman ay may pag asa parin itong tumaas, kailangan lamang natin na maghintay at maniwala sa Ethereum dahil gaya ng bitcoin, tumaas na din bigla ang presyo nito bigla mula sa pagiging mababa.