Ang Ethereum ang isa sa pinakakilalang coin sa crypto market. Sa katunayan, pumapangalawa ito sa Bitcoin pagdating sa ranking. Noong nakaraang taon, ang laki ng value nito at marami pa ang nagsabi na kaya nitong malampasan ang Bitcoin. Pero bakit ngayon isa siya sa pinakabagsak na coin sa market? Bumaba na siya $300. May pag asa pa kayang makarecover ito o eto na ang simula ng tuluyan niyang pagbagsak?
Matamlay ang marker ngayon kaya di natin masisisi na kahit ang ETH ay bumababa. Marami kasing naeengganyo rin sa IEO at may mga takot na mag invest dahil sa nangyari naman sa ICO. Ngunit natural lang din ang pagbaba ng mga price at ito na din marahil ang sinasabi ng marami na "best time" na bumili at mag invest.