snipped...
Ang pag iinvest sa idustriyang ito ay may kaakibat na mga risk na dapat ay nauunawaan at lubos mong tanggap. Kung sa tingin mo ay worth it na mag invest sa partikular na cryptocurrency, mas maganda kung pag aralan mo muna ang partikular na crypto na iyon. Maaari kasing kahit na ngayon ay pare parehas na mababa ang mga price ng karamihan na crypto, hindi naman lahat sa mga ito ay tataas pagdating ng mga susunod na buwan. Bigyang pansin ang trading volume at ranking ng crypto dahil ang mga ito rin ang tutulong at gagabay sa iba pang interesado sa crypto na iyon.
Sang ayon ako nito at mas kilalanin nating mabuti and sarili natin kung kaya ba nating harapin ang mga pangyayari sa merkado cause knowing that hindi sa lahat ng oras ay panalo tayo, malulugi din tayo minsan. Titingnan din nating maigi yung galaw nang market, we don't just fall into our excitement dahil ang pag-iinvest ay dapat nasa magandang presyo para magkakaroon ng malaking tyansa na kikita tayo.