Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Meron pa bang matinong bounty?
by
makolz26
on 18/11/2019, 14:31:58 UTC

Marahil may karanasan ka sa mga nakaraang ICO at naiintindihan ko ang saloobin mo. Hindi maganda ang mga pangyayari sa mga ICO nitong mga nakaraang buwan at naging matamlay ang industry ng cryptocurrency. Ngunit kasunod din nito ang pag usbong ng IEO. Kumpara sa ICO, mas gusto ko ang IEO dahil listed na ang project dahil exchanger na mismo ang nagpropromote sa project. Syempre may risk pa rin naman at nasayo kung worth it ba ito o lugi ka lang.

Hindi na natin maibabalik pa, ngyari na ang dapat mangyari, maraming tao ang nascam, ng scam, mga natuto . Maraming umalis at naumay sa mundo ng crypto, marami naman ang nanatili at hanggang ngayon ay nandito pa din nagbabakasakali at umaasa sa ibang mga trabaho kagaya ng pagttrade, marami pa din ang nagbbounty, meron pa din ang mga nagmmining. Kung sa bounty, walang guarantee, siguro sa 20 na bounties ngayon, isa lang ang legit at hindi pa sure kung magiging successful to.