Anong masasabi niyo sa token allocation nila? tingin ko kasi parang mga whales investor lang ang makikinabang dito kapag tumaas yung presyo ng PAC token kasi kung mapapansin niyo maliit lang yung allocation sa public sale kumpara sa private sale kaya madali ma-control yung market nito, ano sa palagay niyo?
Kaya siguro mas malaki ung sa private sale , kasi naniniwala sila na may ganun kadami na magiinvest sa kanila sa private. Kaya naman mas mababa ung sa public may enough fund na from private investors .
Kung ichecheck mo ung supply mahirap yan manipulahin ung presyo kahit whales ka pa sa dami niyan. Pwera nalang kung ikaw ung bumili nung karamihan sa supply nung private sale.p
Malalaro pa rin ang presyo nyang Pac Token lalo na kung involve ang team. Tingnan mo ang allocation nila, 30% ng token ay nakareserve for the team and development, 50% sa private sale, samantalang 10% lang sa public sales. Anyway, ordinary lang naman sa cryptomarket ang pagmanipula nito. Though I hope this will not end up tulad ng loyalcoin na sa ngayon ay abandoned ang open trading market nila at doon na sila nagfocus sa pagbebenta ng loyalcoin sa wallet aps nila.