Mas mababa kesa sa nakaraan na taon ang rate ng mga nabibiktima ng scam kasi wala na silang tiwala. Pati crypto nadamay, which is they know na scam. Nakakalungkot isipin na talagang nalason na sila sa paniniwalang, ang crypto ay walang naidudulot na maganda.
Yan yung bad side nung mga naglipana na ponzi scheme , maski ung potential believers sana ni bitcoin or ng crypto eh nawawala na. Kasi nadala na sa sitwasyon kung saan naloko at nakuhaan sila ng malaking halaga. Hindi naman natin maiaalis sa kanila na magduda gawa ng sila mismo kasi nalugi sa unang try nila ng hindi pa nila talaga nila inaalam ung totoong gamit bg bitcoin at crypto.
Damaydamay talaga iyan lalo na kung ang ginagamit ng mga scammer na pangscam sa tao ay ang crytocurrency kung alam nila biktima lang din naman ang crytpo dahil nasisira din nito ang imahe dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga scam na HYIP na marami ang nabiktima simula umpisa hanggang ngayon at dahil din doon ay marami sa kanila ang hindi na ulit na bumalik sa pag-iinvest sa crypto.