Dala na ng sistema to e hanggat may mga mandarambong sa mundo hindi ito matitigil kahit mahuli, piyansa,laya ganyan pabalik balik lang sa sobang luwag ng batas dito sa Pilipinas bsta may napansin tayong mga ganitong style email agad sa SEC para mabigyan ng babala ang mahirap den kasi dito hindi ngchechek yung ibang mga kababayan natin invest lang ng invest tapos pag na scam iyak , mas maganda dito taasan ang parusa sa mga mahuhuling ganito yung may kasamang hagupit sa likod pagnakakulong iwan ko lang kung di madala.
At walang manloloko kung walang magpapaloko kaso sa kalakaran sa bansa natin mukhang mahirap na mawala yung mga kawawa nating kababayan na madalas maloko sa mga scam. Naintindihan natin yung hirap ng buhay at maraming nagbabakasali na kumita ng maganda kaya nakikipag sapalaran din sa mga investment pero ang mali lang nila, hindi sila nagre-research na yung investment na napasukan nila ay isang kilalang scam scheme.
Tama ka dyan, kita agad ang pumapasok or yung part na pabor sa kanila. Just like sa mga taong nabudol - budol, pagigiing ganid ang nagiging driving factor ng mga manloloko para maisahan ang taon natakaw sa pagkakaroon ng malaking kita. Kahit na may proper education pa yan about sa mga bagay bagay tungkol sa scam, once na matrigger ang pagiging greedy, automatic shutdown sa any reasoning or rational thinking ang tao at magiging sunod sunuran na lang sa iniisip na pwedeng kitain. Kaya makikita nyo minsan mga high ranking officials ng militar at gobyerno kahit na mga artisita naloloko ng mga scammers.
yung iba di naman natin masasabi na walang alam e kasi may pera sila basically nagain nila yun dahil sa paggamit na kaalaman nila ang problema lang talaga is yung greediness. Isa pa para matigil yang ganyang kalakalan time to time dapat naglalabas ng bagong list ang SEC sa mga registered na investment company tapos lagyan ng pangil ang batas at bawal ang pyansa pyansa kapag large scale estafa na at investment scam na ang ginawa.