Tama ka dyan, kita agad ang pumapasok or yung part na pabor sa kanila. Just like sa mga taong nabudol - budol, pagigiing ganid ang nagiging driving factor ng mga manloloko para maisahan ang taon natakaw sa pagkakaroon ng malaking kita. Kahit na may proper education pa yan about sa mga bagay bagay tungkol sa scam, once na matrigger ang pagiging greedy, automatic shutdown sa any reasoning or rational thinking ang tao at magiging sunod sunuran na lang sa iniisip na pwedeng kitain. Kaya makikita nyo minsan mga high ranking officials ng militar at gobyerno kahit na mga artisita naloloko ng mga scammers.
Oo nga yung sa mga AFP nakita ko rin yan sa balita na madami dami din pala silang mga na-scam, meron din sa side ng mga artista at ang hirap isipin na akala mo sila yung mga hindi basta basta ma-scam pero pati sila ay na-scam din.
Mostly ang mga na a-aksidenting mai-scam ay yung mga na OFW at yung mga nasa URBAN community na di alam kung ano yung cryptocurrency at kung paano ito tumatakbo. Madali silang nahihikayat kasi sasabihin nyga recruiter or scammer na lalabas ka ng pera tapos magiging 3x, 5x or even 10x ang balik ng investments nila pay out.
Gusto kasi nila mapalago yung perang pinaghirapan nila at sila din yung target ng mga scammer na yan kasi nga maganda yung mentality nila. Kaso may hidden agenda pala itong mga scammer at ang galing manghikayat.