Yun kasi ang problema sating mga Pinoy, Basta kapag sinabing kumikita gusto agad agad. Kaya it ends up disappointment. Meron ako dating katrabaho na nagtanong saken Kung ano yung mga pinopost ko sa facebook.
So ang ginawa ko ipinaliwanag ko, then pagkatapos kong ipaliwanag Sabi nya, bakit daw siya maglalagay ng pera, panahon at effort sa loob ng internet na alam naman natin na prone on hacking.
Yun daw Bitcoin ay Hindi posibleng mahack kasi nasa internet. Kahit na ipinaliwanag ko yung katangian ni bitcoin.
Oo Tama naman siya, POSIBLE naman talagang mahack ang isan, dalawa, tatlo o apat pang wallet address pero sa maliit na ratio lang na nagbibigay sa kanya ng siguridad na sa sobrang liit naging impossible na.
Pero posible parin 😅
Marami pa din talaga ang mga sarado ang isip sa ating mga kababayan, kahig mga kaibigan, at mga kawork ko pati kapamilya, kahit ilan taon na ako dito madalas pa din sa akin sila nagreremind na baka daw maubos pera ko kahit sinasabi ko 'wala po ako naging puhunan diyan' sipag tiyaga at inaral ko lang po, still andun pa din na sinasabihan ako kahit anong explain ko sa kanila regarding dito, kaya hinahayaan ko na lang dahil ayaw ko mahawa sa negativity nila.
Hindi talaga natin yan maiiwasan na may mga kabayan tayong sarado ang isipan lalo na larangang ito. Yung tatay ko din ganyan lagi sinasabi na mauubos pera mo dyan pero hindi ko naman masyadong pinapansin dahil alam ko may kanya kanya tayong paraan kung paano tayo kikita ng pera. Yung negativity na sinasabi nila sakin yung about lang sa scam kasi minsan na silang nakanood ng balita tungkol sa ganito kaya ganon lang sila magbahala pero lagi ko naman pinapaliwanag iniingatan ko pera ko. Halos lahat naman ng pilipino gustong gusto kumita pero alam naman natin na hindi madalian ang pagkita kaya sipag talaga ang kailangan.