Nawala ka din ba ng matagal sa crypto?Nung Dec 2018 ay nung araw na nawala ako sa pag sali sa crypto event, kagaya ng airdrop, cloud mining, chat bounty, trading at iba pa. May mga prioridad na kasi na kung minsan ay di natin maitatabi. Kagaya ko naging busy sa eskwela at ngayon sumisilip lang pa minsan-minsan at alam niyo, parang na dedepressed ako. Kay tagal ko nang nawala, parang napag iwanan na ako sa panahon, kay hirap habulin kung nasaan na ang mga kaibigan ko noon sa crypto.
Anong karanasan niyo din po
Share your Experience 
Hindi naman talaga ako totally nawawala sa crypto pero minsan talaga tinatamaan ako ng katamaran kaya parang napapahinto ako. May mga kanya kanya talaga tayong prioridad sa buhay lalo na ko na nag aaral pa din para makapag tapos hirap din kung ipagsasabay mo lagi pero pag kaya sige lang. Kahit matagal kang nawala dito kabayan sa tingin ko hindi ka naman talaga napag iwanan pero dahil ngayon bumalik kana pilitin mong mag sipag ulit para kahit paano mo makahabol ka. Wag ka na madepressed matatamo mo din lahat ng natamo ng kaibigan mo kailangan ng sipag at laanan ito ng panahon.