Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo!
by
qwertyup23
on 27/11/2019, 00:00:18 UTC


Hindi ko talaga makakalimutan noong hinakayat ako ng kaibigan ko na mag-simula dito sa bitcointalk para makapag-ipon ng bitcoin. Noong 2017, nag-uusap lang kame about sa mga watches tapos biglang na-open up niya sa akin yun topic na possible nga na magkapera sa internet. Before akala ko scam lang ito dahil malaking usapin din ang networking noong time na yun pero nung pinakita niya sa akin na may pera nga talaga sa bitcoin, hindi ako nag aksaya pa ng oras at gumawa ako ng account dito.

Aaminin ko, date ang habol ko lang talaga ay pera kasi kailangan na kailangan ko talagang bumili ng mga libro para sa school. Pero noong patagal ng patagal ako dito sa forum, mas lalo kong naappreciate yun pag-share ng impormasyon at pakikiusap sa community dito. Basically, ang pera naging incidental na lang sa ginagawa ko kaya ang laki ng ginawa ng bitcoin sa akin.