Kaka interview ko lang din ngayon sa coins.ph ngayon naman hinihingan ako ng mga documents about financial documents na wala ako nun paano kaya yun?
Sa interview tinanong ka kung saan galing ang funds mo? Kung oo, ano ang isinagot mo?
Ang alam kong sure acceptable documents ay bank statement, payslip, tax return. Pero pwedeng depende pa din 'yon sa source of funds mo, halimbawa online work - freelance, maaaring pwede ang invoice, ganun. May binigay ba sila sayo na list of accepted documents?
Since nasa campaign ka, naisip ko baka pwede 'yong income mo from Yobit. May payment history naman sa Yobit panel na pwede mo ipakita sa kanila. Tapos 'yong nasa signature page din para sa rates.
Extra question - Saan ka madalas mag-withdraw? GCash ba?