Pero mahirap na magturo hindi nga natin masasabi yung market e tapos mag tuturo kapag nag negative profit ka sa trading ikaw pa masisi mas maganda na wag na lang mag salita o magturo kasi atleast walang sisi sayo. Kung knowledge lang naman ok lang na mag turo atleast magiging aware ang tao at sila na lang yung magpalawak ng nalalaman nila by that makikita mo na interesado talagang matuto.
Naintindihan kita kaya dapat kapag may tuturuan man tayo ay ipaalam din natin yung risk ng papasukin nila hindi lang yung benefits. Huwag na lang din natin ipilit kapag alanganin. Dahil kung talagang interesado sila, kusa silang lalapit sayo, at mapapansin mo rin naman kung sino lang talaga yung willing na matuto.
Kapag gustong matuto yung tao even it's not the right timing to invest ay mas magandang bigyan mo na siya agad ng idea regarding the market. Yun yung time na magandang gawin example kasi totoong nangyari unlike sa magbibigay ka lang ng situation baka di niya pa ma-gets. I agree that if they really wanted to learn crypto, mas magiging interasado sila lalo kasi ano nga ba ang priority natin? Ang kaalaman o pera pera nalang talaga.
Ang Isa sa gusto kong matutunan o malaman ay tungkol sa mining, kahit Wala pang kapital o puhunan. Gusto ko lang matutunan Yung mga hardware's and software na ginagamit. Tsaka Yung mga terminology ng mga miner na Hindi ko naiintindihan. Ganito yung feeling na Wala kang sapat na kaalaman Lalo na at kapus sa edukasyon
Di ko na masyadong tinutukan ang mining kasi alam kung di ko kakayanin, mahal ang hardware at di rin advisable dito sa location natin dahil sa klima. Pero bilib ako sa ibang miners dito sa lokal natin dahil parang ginawa nilang posible yung imposible, ika nga pag gusto may paraan.
Mining is already dead here in the Philippines and probably karamihan sa may mga miners set ngayon, binenta na nila. Bakit? kasi hindi na allowed ang GPU mining in crypto so it'll be a waste kung for them to continue dahil wala ng pang puhunan. Bagsak presyo na rin ang mga GPU kaya imposibleng makabili ng ASICs na ginagamit sa pag-mining.