Isa ako sa mga matityaga at patuloy na naghohold ng altcoins ko hindi lamang buwan kundi taon na. May mga altcoins akong hawak na hindi ko na inaasahang tataas pa o magkakavalue pa. Sa ngayon, ang tanging inaasahan ko na lang ay ang mga altcoins na may value at potential. Mabuti pa ring piliin nating maghold ng mga altcoins na multifunctional at may magandang history. Pasasaan pa at babalik din ang season ng altcoins.