di nga masyadong alam yang Bitcoin dito sa Pinas how much more yang alts.

Sa lahat ng tinuturoan ko, akala talaga nila at first ang Bitcoin ay isang company na kailangan mag invest at may return. lol
Yun ang malaking akala ng mga hindi nakakaalam sa bitcoin yan din akala nung mga tinuruan ko before na parang pyramiding daw ang bitcoin so pinaliwanag ko sa kanila ng maigi kung ano ba talaga ang bitcoin at yun napagtanto naman nila kung ano ba talaga ito. Maraming Pinoy ang nakakakilala sa bitcoin pero sa altcoins matatagalan pa siguro bago malaman ito ng karamihan usually kasi bitcoin talaga kilala nila.
Kilala nila yung bitcoin sa totoo nga niyan madami sa kanila yung nag aakalang scam ito dahil sa mga naririnig at nagbabasa nila. Familiar na sila sa bitcoin pero kung sa altcoin naman mukhang hindi, aware naman yung karamihan sa kababayan natin na nag eexist ang digital currency pero bitcoin lang yung literal na familiar sa kanila siguro kasi hindi sila ganon kainteresado para mag search ng iba't ibang information about sa mga bagay na related sa bitcoin. Kung tutuusin kasi masama yung image na makikita nila sa bitcoin kaya siguro hindi ganon kalaki yung adoption ng cryptocurrency dito sa bansa natin pero alam ko naman na dadating din yung araw na tatanggapin nila ito maging ang iba pang cryptocurrency. Hindi din kasi ganon kadali na ipakilala sa kanila ang bitcoin at altcoin kasi kung sa bitcoin nga negative side yung tinitignan nila paano pa kaya sa altcoin hindi ba? isa yun sa factor na nakakaapekto sa pag iisip nila at maging sa choices nila.