
Since 2013 nainvolve na ako sa Bitcoin noong mga panahong buhay pa ang BTC-E trading platform at Mt.GOX, ang naobserbahan ko lang ang tao talaga bibili ng BTC at ibang alts kapag tumataas ito, di talaga maiaalis na mas nakakarami ang nahahype lang, talagang kailangan natin ng information drive at proper education sa Cryptocurrency.
Ikaw kabayan nabiktima ka na rin ba ng BUY HIGH at SELL LOW? Tara usap tayo.

Malaking impluwensya sa akin ang ganyang prinsipyo kabayan, at ang sagot ko dyan ay mas malala pa kung tutuusin. Noon panahon na nag bullrun pa ang bitcoin, isa akong biktima sa baluktot na paniniwala na mag hold ng matagal. Pero sa kasamaang palad naging matumal ang takbo ng pag angat ng coin ko, na sana naka 200k php na kita na ako noon. Sad to say kabayan, ubabot ako sa sukdulan na yung holdings ko ay naging 25k php nalang ang halaga neto.
Masakit isipin kaso, wala eh isang pangarap nalang ang nagdaan na panahon. Di pa huli ang lahat at kailangan kung bumangon at maging matatag hanggang manumbalik ang sigla ng cryptocurrency.