Buti na lang bumalik na ang Gcash with option transfer from BTC wallet pero mukhang unstable pa at hindi pa working. So mas mainam kung PHP lang muna pa rin ang gamitin.
Subukan ko rin yang Unionbank, mas okay talaga kung meron kang mga back up para sakaling mag maintenance yung ibang options eh merong alternatives.
Masisipag talaga mga kabayan natin dito, kahit wala ng nag aasist dito na staff from coins.ph mismo, tayo-tayo na lang magtutulungan.
Kapag sa mga concern na naranasan na ng mga kababayan natin, madali lang magpayo pero kung yung concern ay mismong dapat sagutin ng coins.ph mas mainam na doon kana mismo direkta sa kanila kumontak. Ang dali lang naman nila contact-in kasi active sila sa email pero parang mas trip ko pa din yung live chat support nila.