Marami na ang nabiktima ng ganyang istilo ng panghihikayat ng tao. Isa na ako diyan. Pero marami talaga akong natutunan dito. Payo ko lang sa mga baguhan sa larangang ito, huwag basta basta bibili kung wala naman talagang dahilan upang bumili nito. Pagaralang mabuti ang proyekto bago bumili. Kadalasan sa mga baguhan talaga ay nadadala sa mga hype ng mga pump and dump groups kaya mabuting pagaralan ito bago bumili. Pagaralan din kung paano gumamit ng stop-limit upang matiyak na hindi maagapan ang biglang pagbaba ng iyong pera.
Ako rin bumili ng mga altcoins bago yung strongest pump noong 2017. Aminado akong hindi ko naman tinitingnan na mismo yung projects kasi top coins naman sya katulad ng Ethereum, Ripple, Litecoin, etc. Hindi naman sya magtatop kung hindi quality. Ang kaso lang talaga biglang dating yung bad performance ng market. Kawawa lahat pati mga BTC buyers.