Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Mga risks ng paghawak ng stablecoins(USDT,TUSD, etc)
by
Edraket31
on 16/12/2019, 16:01:17 UTC
Palagay ko, mas delikado pa ata humawak ng stablecoin keysa mag lagay ng sarili nating pera sa bangko kasi pag nagloko yung kompanyang humahawak ng stablecoin, o i subject sila ng Government regulations, o ano pa mang kadahilanan, maliit lang yung tsansa na maprotektahan tayo kasi kulang yung mga batas na magsisilbing proteksyon natin - kahit pa mag declare sila ng bankruptcy, mahihirapan tayong habulin sila.

Yan ang mga kahinaan ng isang sentralisadong organisasyon, nasa ilalim tayo ng kontrol nila, o puede silang makontrol ng Gobyerno at gawin kahit anong gusto nila. Imho.

Exactly my point. Knowing na ung Tether pa, which is ung biggest stablecoin na meron tayo ngayon, e nagkaroon ng liquidity issues. So di talaga natin alam kung gaano ka honest/dishonest nung kompanya. Safer parin talaga ang pera sa banko.

Exactly, huwag natin icompromise and pera natin, kaya ako din, mas gusto ko na din na maging stable na lang to sa banko lalo na kung hindi naman yon for investment or holding, mahirap na. Pero kung maglalagay man ako  ng pera sa crypto, mas gugustuhin ko na lang na bumili ng Ethereum dahil mas naniniwala naman ako dito kahit taas baba kahit papaano nasa diskarte ko na paano papalaguin.