Ikaw kabayan nabiktima ka na rin ba ng BUY HIGH at SELL LOW? Tara usap tayo.

Fortunately hindi, kasi bago mag bull run 2017 meron na akong naipon na btc nun sa pagsali ko sa mga signature campaign. Kaya ng tumaas ang value ng btc malaking bagay talaga kasi kumita ako ng malaki din.
Human nature na talaga siguro ang pumasok sa isang investment opportunity kapag nakikita natin na nag hype sya at aware tayo na marami ang kumikita kaya gusto natin makasabay.
Kaya lang ang pagpasok sa isang investment na walang sapat na kaalaman ay hindi maganda, tulad ng pagbaba ng price ng btc after ath marami ang nalugi at nag panic sell dahil hindi nila alam ang nature ng crypto.