Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017)
by
JC btc
on 31/12/2019, 12:43:51 UTC
Tingin ko timely ito dahil paparating na malaking bull run, hopefully this year.

1.) Ano ang mga na enjoy ninyo sa last bull run? Sa anong coins kayo kumita at sa anong paraaan?


2.) May regret ba kayo sa last bull run? Ano yun?
Syempre, hindi naman agad aangat ang isang stock o maging coin kung walang development. Hindi kasi porket popular tulad ng bitcoin ay agarang tumataas o bumaba. Syempre meron ding indication na aakyat na ito. Isa sa mga pinagsisihan ko noong 2017 bull run ay hindi ako nakapag invest sa bitcoin. Nasaksihan talaga ng 2 mata ang oras at araw na pagangat nito ngunit wala akong sapat na pera talaga.
Ngunit masaya din naman ako dahil may naging sweldo ako. Malaki at tulong na yun sakin before.
Oo,  nakakalungkot talaga last bull run dahil kapos din ako sa pera. Nakakatuwa kami ang pagtaas neto ngunit dahil hindi ako nakabili agad ay hindi rin ganoon kataas ang kinita ko.  Pero pag dating naman sa mga signature campaign ay bawing bawi dahil sobrang laki ng sinahod ko na umabot sa libo libo. Dahil din sa bull run ay nakapag ipon ako.

Mga panahon na napakasarap balikan ang taong yan, dahil diyan marami ang mga nagalak, kumita, nakaipon, nakatulong sa pamilya, nakabayad utang, maraming mga users na lalong naging active and lalong naging full time sa crypto, kaya tandaan lagi na ayusin natin ang mga perang kinikita natin, as much as possible gamitin natin to sa tama, magipon and maginvest hanggat bata.