Nabiktima ako dati ng hackers dahil sa email ko, dahil napalitan nito ang email ng aking Bitcointalk account dati
Napalitan ng xxxxxxx@yopmail ang aking email sa bitcointalk at pati ang password ko kaya naman hindi ko na ito nabawi pa. Inalala ko rin kung paano nangyari iyo at sa pagtingin ko sa aking post history ay naipost ko pala ang ang aking main email o ang ginagamit ko na email sa aking bitcoin talk account siguro ito at dahilan kung bakit nahack ang aking account. Kaya naman paalala ko ay wag mag post ng email ng iyong bitcointalk account kahit saan dahil maaring ito ang manging sanhi upang mawala ang ating mga account.
Gusto ko lang magdagdag about sa may pagchchange ng password and email dito sa forum. Napakadelikadong gawin nun actually kase di naman sa pinagbabawal dito sa forum ang pagbebenta ng BCT accounts pero mainit ang mata ng mga mod dun. Siguro kapag magchachange kayo ng pass and email, try nyong gayahin si darkstar_.
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5111543.msg49809045#msg49809045Ang pagaalaga sa ating account ay makakatulong upang mapanatili ang ating mga pera at iba pang mahahalagang bagay dito sa bitcointalk forum. Maging maingat sa mga bagay na ating gagawin lalo na sa mga bagay na may kinalaman ang pera dahil ang pera ay mahalaga at kaakibat na sa ating buhay. Maging wais kung paano natin aalagaan ang ating mga account. Ugaliin magbackup ng mga password at username para kung sakali na makalimutan ay may nakareserba ka.