Nabiktima ako dati ng hackers dahil sa email ko, dahil napalitan nito ang email ng aking Bitcointalk account dati
Napalitan ng xxxxxxx@yopmail ang aking email sa bitcointalk at pati ang password ko kaya naman hindi ko na ito nabawi pa. Inalala ko rin kung paano nangyari iyo at sa pagtingin ko sa aking post history ay naipost ko pala ang ang aking main email o ang ginagamit ko na email sa aking bitcoin talk account siguro ito at dahilan kung bakit nahack ang aking account. Kaya naman paalala ko ay wag mag post ng email ng iyong bitcointalk account kahit saan dahil maaring ito ang manging sanhi upang mawala ang ating mga account.
Nabiktima din ang aking pinsan, dahil wala siyang masyadong alam naka-click siya ng phishing link sa airdrop and bigla na lang nawala ang kanyang account, kaya simula noon, hindi na siya nagaairdrop, at maging ako din, hindi na din ako nasali sa mga airdrops, yong isa kong friend, hero member nawala yong account nya kaya tinamad na sa forum, dahil nasayang lang account nya.
Kung hindi ka talaga ganung maalam sa kung papaano mo poptotektahan ang iyong sarili sakaling ma-encounter mo ito, it's better na huwag mo na lang i-involved o i-risk ang sarili mo kapalit na posibilidad na malaking reward na walang kasiguraduhan kung magkakaron nga ba ng halaga para sa susunod na panahaon. I'm not against sa airdrop naman pero mostly kasi ng pinapagawa dito, napapasok na ang ating privacy ng di nalalaman kung masama ang intensyon ng nagpapa-airdrop.