Ang Ethereum ang isa sa pinakakilalang coin sa crypto market. Sa katunayan, pumapangalawa ito sa Bitcoin pagdating sa ranking. Noong nakaraang taon, ang laki ng value nito at marami pa ang nagsabi na kaya nitong malampasan ang Bitcoin. Pero bakit ngayon isa siya sa pinakabagsak na coin sa market? Bumaba na siya $300. May pag asa pa kayang makarecover ito o eto na ang simula ng tuluyan niyang pagbagsak?
Isa sa mga dahilan kung bakit bumagsak ang presyo nito para sa akin ay dahil sa biglaang pagbagsak din ng presyo ng bitcoin. Mapapansin natin kung oobserbahan natin ng mabuti na ang presyo ng Ethereum ay kadalasan sumasabay lamang sa presyo ng Bitcoin. Sa tuwing biglaang tumataas ang presyo ng bitcoin, biglaan ding tumataas ang presyo ng Ethereum. Sa nalalapit na bitcoin halving, sa tingin ko ay may malaking chance na tumaas din ang presyo ng Ethereum sa kadahilanang inaasahang tataas ng sobra ang presyo ng bitcoin pagkatapos ng halving.