Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo!
by
princesspoppy
on 05/01/2020, 05:32:43 UTC
Usap muna tayo mga kabayan! Wink

Naranasan mo na bang ibahagi ang kaalaman mo sa crypto sa isang indibidwal na walang ideya patungkol dito?

Kasi ako maraming beses na, lalong lalo na sa kapatid at nobya ko.
Hindi sila ganoon kainteresado sa aking pinag sasabi kasi maliit ang aking naipapakita sa kanila "KITA" dito.

Hindi tulad noong taong 2016 - 2017 na basic lang ang 5k lalo na sa tuwing papasok sa exchange ang isang token/coin. Naalala ko pa noong pumutok yung "Hydro" at mabilis na kumalat ang Airdrop na yon sa mga social media. Nakakainis isipin tila wala na halos yung mga ganitong klase ng token / coin. Pero heto parin at umaasang may matisod na magandang project.

Palibhasa "GL" sa isang eye lens manufacturing ang aking nobya kaya madalas nya akong tinutulugan sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa crypto.

Nais ko lang naman siyang maging aware sa hindi mapigilan na paglago ng ekonomiya ng crypto currency na alam kong balang araw kakalat ang ganitong uri ng mode of payment sa ating bansa.
Narealize ko ito noong bumili ako ng grocery sa puregold (small letters lang hindi sponsors eh HAHA).

Habang nagbabayad ako gamit ang QR code ng aking Gcash wallet na connected sa aking ATM.
What if dumami pa ang establishment na gumagamit ng ganitong klase ng pagbabayad?
Bukod sa Hindi mo na kailangan pang ma-Down time sa suklian. Hindi kana din mabibigyan ng kendi kapalit sa pisong dapat ay iyong sukli.
Sobrang convenient!

Doon ako naging mas agresibo na ikwento ito sa aking mga kamag anak, kaibigan, katrabaho, etc. Pero tila hindi sila naniniwala, o kung naniniwala man gusto nila madalian.

Habang patuloy na nakikilala ang crypto sa buong mundo, nais ko lang sana na habang maaga pa magkaroon na sila ng kaalaman patungkol dito.
Alam naman natin na dito sa mundo ng crypto, mas lamang ang sinumang nauuna.

Naibahagi ko lang ito sa inyo kasi gusto ko nang kausap na alam kong makakaintindi sakin. Charot!  Grin

Sawang sawa na kasi akong matulugan ng kausap tuwing Gabi. Haha

Ikaw? Katulad mo rin ba ako na naghahanap o naghihikayat sa iba about kay BITCOIN?



Nakakatawang isipin, kakatapos ko lang mag explain at maghikayat ng aking pinsan tungkol dito sa bitcoin at altcoins na maaari nilang pagkakitaan. Nagpalitan kami ng ideya ng aking pinsan tungkol sa mga business na maaaring pagkakitaan. Siya sa stock exchange at ako naman tungkol dito sa bitcoin. Hindi lang siya ang unang tao na hinihikayat ko na subukan ang bitcoin, madami dami na din akong hinikayat. Marami sa kanila ang nagpakita ng interes lalo na ng malaman nila na kumikita nga ako ng pera dito at hindi nga ito isang scam tulad ng sinasabi ng iba. Natutuwa ako na mga kapwa ko estudyante din ang nais sumubok nito. Sa katunayan, may isa akong kasamahan sa bahay ang sumusubok ng sumali sa mga campaign dahil ito ang pinakaangkop na paraan para samin upang kumita ng pera na walang nilalabas na kapital. Ang aking mga magulang din ay nais magpaturo at magpatulong sakin upang matuto kung paano kumita ng pera dito. Nakakatuwa lang isipin na noon ay ayaw maniwala sakin ng aking magulang tungkol dito sa bitcoin ngunit sila na mismo ngayon ang humihingi ng tulong upang sila din ay kumita ng pera. Nakakatuwa ring isipin na nakakatulong ako sa mga kapwa ko estudyante na nagnanais kumita ng pera upang makatulong sa kanilang pamilya. Mabuti na lang at may kinikita na din akong pera na nakapag bigay ng dahilan sa kanila upang maniwala sa bitcoin at altcoins.