Malaki talaga ang maitutulong ng mga ito upang mas lalo tayong maging bihasa sa pag sasalita, pagsusulat ng salitang English, At syempre nasa ating kagustuhan rin ito upang matuto ng English, Kasi hindi rin tayo matuto ng maayos dito lalo na kung wala naman sa ating kagustuhan..
Tama, ang hirap matutunan ng isang bagay kapag hindi ka interesado dito. Salamat sa thread na ito dahil malalaman natin ang mga pagkakamali natin sa grammar lalo na pag nasa ibang section tayo nagpopost minsan ay may mga mali tayo sa english natin.
Sabi nga kung ayaw may dahilan kung gusto maraming paraan, ako din inaaral ko and nagppractice kahit papaano sa mga pinsan namin dahil mas magaling mag English mga bata kong pinsan kaysa sa akin kaya natututo ako sa kanila, pero sila natututo din sa mga pinapanuod nila sa Disney Junior kaya mahalaga din bukod sa pagbabasa manuod din ng mga English na mga movies.
Naniniwala ako sinasabi mo kasi before ako magjoin dito sa crypto world, I dont have any knowledge aboit bitcoins or any cryptocurrency related topics. Pero inaral ko nagpursige ako kasi hinikayat ako nung friend ko tapos nahumaling ako nung nakita ko yung mga naipundar niya dahil sa mga nakukuha niya rito kaya lalo ako nagtyaga. Nagbasa ako sa internet at nanood ng tutorials sa youtube about sa cryptocurrency at tungkol sa mga campaign na gaya nito. Nakakatulong talaga ang pagbabasa at panonood.