Hindi ka mabibiktima ng kahit na sino dahil lang sa pagsali sa mga telegram groups. Mabibiktima ka lang kung mag-sign up ka sa mga link na ipo-post doon dahil posibleng mga phishing sites ang mga ito.
Kung sakaling legit ang grupo na napasukan mo, mag-ingat sa mga taong nagpapanggap na admins. Madalas marami sila nabibiktima dyan. Nagpapadala sila ng private messages sa mga myembro ng grupo na humihingi ng tulong at kunwari sila ang mag-assist pero ang katunayan ay lolokohin lang nila.
Ganito madalas ang paraan ng mga scammers na nagpapanggap na admin:
- Kokopyahin nila avatar, display name, at username ng isang legit na admin pero papalitan nila yung isang letra. Madalas na pinagpapalit ay yung small letter 'l' at big letter 'I'; 'q' at 'g'.
- Kokopyahin nila avatar, display name, at username ng isang legit na admin pero ilalagay sa bio

Kung hindi mo madetermine kung legit admin ang nag-pm sa'yo, magtanong ka mismo sa main telegram group.
Sakali man na nakahuli ka ng scammer, maari ka din makatulong para hindi na siya maka-biktima ng iba.
- Report mo sa grupo at magbigay ng babala
- Report mo sa telegram's @notoscam para malagyan ng 'scammer tag' yung account na yun