Mukhang hindi pa tayo taxable kasi hindi pa gaanong kilala ang crypto sa ating bansa at mukhang wala pa nakitang hakbang ang gobyerno sa pagkuha ng tax sa mga crypto traders at freelancers sa ngayon. pero may kutob ako sa pag dating ng ilang taon ay may tax na ang pag withdraw ng cryptocurrency kasi marami ng tanong ang coins.ph sa ating mga ginagawa at minsan pati narin ang mga remittance center so for sure may ginagawa na ang gobyerno na hakbang para rito.
Wala pang tax na ipinapataw ang gobyerno sa ngayon sapagkat sa ating bansa mas marami pa rin ang nakakaalam sa cryptocurrency kaysa sa mga may alam. Ilang beses na naifeature sa mga palabas ang bitcoin pati ang mining ngunit nakakalimutan rin ng mga tao sapagkat hindi pa in demand sa atin ang cryptocurrency.