Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo!
by
Fappanu
on 14/01/2020, 10:12:22 UTC

Masarap at magandang makita yan na yung naturuan mo e nagkaroon ng break sa industry, sana lang hindi ka nakalimutan meron kasing ganyan na after nilang matuto wala na tablado ka na, hindi man tayo humihingi ng tangible na tulong nila simpleng sharing lang din kung paano sila kumikita oks na.

Lahat naman tayo gusto natin tumulong ng walang kapalit, pero pangit din naman yong after maturuan mo sila hindi ka na nila kilala, dapat matuto talagang mag share ng ideas. So far naman kung sino yong mga naturuan ko dati, sila pa din yong mga kasama ko until now, and kasa kasama sa mga projects, lagi namin sinasali ang isa't isa.
Mayroon ako ngayon naturuan tungkol sa bitcoin at kumita siya ng malaki sa bounty at maraming ng nalalaman ngayon,  pero nakakalungkot lang dahil hindi na nya ako kinakausap ngayon para magshare ng mga idea para sa akin. Well,  hindi naman ako nanghihingi ng kapalit gusto ko lang malaman kung saan siya kumikita ngayon.